Friday, February 15, 2008

click

3pm na ako nagising. pinanood ko ang "clïck" ni adam sandler. di ko maiwasang maiyak sa later part ng pelikula ng banggitin nya ang mga katagang "family comes first". sa loob ng limang taon kong pagtatrabaho sa radyo, sinikap kong maging magaling na empleyado. my loyalty to the company is beyond expectations. my dream to be a boss someday made me work 18 hours a day, multi-tasking job, sunod-sunuran sa superiors, alipin at utusan, walang break that i almost forget about spending time with my family. dumating nga ang pinapangarap kong bituin. i got promoted and bacame the youngest radio station manager of the country. pero huli na ang lahat kasi napabayaan ko ng pamilya ko. namatay ang tatay na hindi nya natitikman ng katas ng paghihirap ng kanyang panganay. kung pwede ko lang sana ibalik ang panahon. ang mga oras na sana ay kasama ko si tatay. ang mga pagkakataon na sana ay magkasama kaming lahat lalo na sa mga importanteng selebrasyon kagaya ng pasko at bagong taon... wala na ang aming ama. pumanaw sya ng napaka-aga.

on a more somber note, di madali ang maging boss. sinikap kong maging isang mabait at maunawain na boss. ang mga bagay na di ko naranasan sa dating administration ay ibinigay ko sa aking mga staff. ibang method ang ginamit ko sa pamamalakad ng opisina. i want to be treated as a friend than a boss. im more considerate and understanding. sinubukan ko pa nga intindihin ang mga personal nilang pangangailangan lalo na pag ang pinag-uusapan ay mga family matters. my goal to make a difference in this world ang syang nagtulak sa akin na ibahin ang style ng pamamalakad. di nababasa sa mga libro ng siyensya ang method ko. puso ang pinapairal ko. kindness is the virtue that i admire the most at paulit-ulit kong sinasabi na they dont have to repay my kindness, they just pass it on to others. sabihin mo ngayon kung mali ang ginagawa ko. sa mundong halos lahat ay gahaman sa pera at kapangyarihan sino ba ang dapat mag-simula ng pagbabago? di ba tayo din? simulan sa pagiging isang mabuting halimbawa sa iba di ba? mas gusto ko pang makita na ginagawa nila ang mga bagay dahil yun ang nararapat gawin hindi yung dahil inutusan ko silang gawin yun. ayaw kong maging dictador. ang mga tauhan ko ay binibigyan ko ng kalayaan hoping that they will develop responsibility. pero di yun ang nangyayari. ang iba ay umaabuso na. minsan nga ako ang pinakahuling tao na makaalam kung ano ang nangyayari. parang ang presence ko ay nandyan lang kapag meron silang problema. at kung merong problema sa opisina. troubleshooter ba ang dating. hayyy iba ang nadudulot ng kasikatan. lumalaki ang ulo ng mga gago (im sorry for using this term. blog ko to and i can be as casual as i want). am i still on the top of everything? maybe its time to evaluate my management methodology.

dapat noon pa natutunan ko ng i-balanse ang lahat. i hope this is never too late.
so help me God...

No comments: