Wednesday, February 13, 2008

grrrrrrrrrrrr...

2:00pm na ako nagising. di maganda ang gising ko dahil sa dalawang phone calls. una, galing sa magiging mother-in-law ko sana na nasa singapore ngayon. ewan ko kung ano na namang hangin ang pumapasok sa kukuti ng mga yun at patuloy pa rin akong kinukulit. mag dadalawang taon na! di pa ba nila ako titigilan sa naudlot kong kasal? this people cant get over me.

second call is from the head office na nagmamadaling i-submit ko raw kaagad ang costing ng recorida para sa event ng unilab sa boracay. ang mahirap sa head office pag sila ang humuhingi ng favor, dapat andyan kaagad. pero pag kaming mga provincial stations ang magrequest from them, aabutin ng taon bago marelease. tama ba naman yun? mag-uumpisa pa lang ang araw ko pero ganito na kaagad ang eksena.

makapunta nga ng jonah's para mag fruit shake. toink...

No comments: