Wednesday, February 13, 2008

valentine's day daw

15 minutes na lang on-air na ako. ang hirap sa trabaho ko ay kailangan kong magpanggap. vespera ng valentines day at kailangan na pupunuin ko ng pagmamahal ang airwaves. pano ko magagawa yun eh ako nga walang wala? i mean wala akong date. toink!

bigay ako ng bigay ng tips on dating sa radyo pero ako nga di makahanap. toink again... yan kasi trabaho ko. ang magbigay kasiyahan sa mga malulungkot ang gabi, sa mga pagod at nalilito. pero ang di nila alam, yung taong hinahangaan nila ay sya ring nangangailangan ng pagdamay.

nakakatuwa! sobrang nakakatuwa!!! o sya late na ako... till then
HAPPY HEARTS DAY na lang sa lahat.

No comments: